Random

Sidetrip

Nakakapanlumo palang umastang bulag sa tuwing napapadaan ka sa kalsadang hinihigaan ng mag-ina o matandang walang matulugan. Yung gusto mo namang tumulong, pero gipit ka rin kasi, kaya aasta ka nalang na para bang walang nakita o walang narinig na iyak ng sanggol na nagrereklamo sa gutom.

Minsan naiisip ko kung ano kaya ang pakiramdam na tratuhing non-existent, invisible, minsan pa nga’y itinataboy. Ano kaya ang pakiramdam na umasa sa kabaitan ng tao para makakain at mabuhay sa araw-araw?

Nagdodorm ako sa may España. Dahil lagi akong ginagabi mula law school, pagkauwi ko sakay ng tricycle, napapadaan ako sa gilid ng kalsada kung saan naglalatag ang iba ng tutulugan nila. Isang beses pa nga ay may nadaanan akong matandang lalaki na nagsasalin ng isang pakete ng Lucky Me! noodles sa maliit styro cup na may lamang tubig. Sa totoo lang, at maaring ikasasama to ng loob mo, nagpapasalamat ako sa mga eksenang nadadatnan ko sa gabi. Hindi dahil medyo nakakaangat ako sa iba, di dahil hindi ko kailangang pagdaanan yung mga problema nila, pero nagpapasalamat ako dahil pinapaalala sakin ng mga tao sa kalsada na may mas malaki pang mundo sa labas ng silid-aralan: hindi ko dapat masyadong dinadamdam yung recit kong kinulang, o yung mga kasong kailangan kong basahin sa gabi, o yung buhok kong halos malagas na sa stress.

Minsan kasi napakadaling makonsumo sa sarili mong mundo, napakadaling maging makasarili; minsan sa kaka-recit mo eh nagiging mala-bato na damdamin mo. Sa bawat irap ng propesor, sa bawat batas at legal maxims na hindi mo makabisado, sa taong iniwan mo o nang-iiwan sayo dahil kulang na ang atensyon na kaya mong ibigay sa kanila, napaka-normal na maging indifferent sa mga bagay na di konektado sa batas.

Hindi ko naman sinasabing mababaw ang mga problemang pinagdadaanan ng law students, pangarap natin yan eh, kaya pinipilit nating ibuhos lahat ng atensyon natin. Pero gusto kong mag-aral nang di nakakalimot lumingon sa lipunang ginagalawan kasi balang araw, tayo na rin ang magdidikta sa takbo ng lipunan.

Kaya tuwing gabi, habang naglalakad ako pabalik sa dorm o tuwing pinapasok ni mamang driver yung tricycle mga eskinitang shortcut niya para iwas trapik, pinipilit kong itaga sa utak ko yung imahe na nakikita ko. Lalo kasing lumalakas yung drive ko na balang araw – maging abogado man ako o hindi – pwede akong tumulong; balang araw, makalabas lang akong buhay sa paaralang to, ako na mismo ang mag-aabot ng maliit biyaya sa mga kamay na nag-aantay.

Sa mga nadadaanan ko, pagpasensyahan niyo na muna ako sa ngayon. Minsan nakakapagbigay, madalas hindi. Pero di bale, hindi ko man kayo matulungan ngayon, siguro after four or five years, hindi ko na kailangan magbulag-bulagan.

Advertisements
Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s